Utot, nakakagamot ng Kanser

Naging maingay sa social media ang inilathalang pag aaral ng  University of Exeter na sinasabing ang pag amoy o pag langhap ng utot ng tao ay nakagagamot ng kanser at iba pang uri ng sakit. Pero  agad naman itong kinondena ng mga researcher,ayon sa kanila,  hindi naman tahasang nagsasabi na ang utot ay may kakayahang makagamot ng ganitong uri ng sakit. kung susuriin, nangangailangan ito ng malalim pang pag aaral  dahil sa marami pang komplikadong bagay na dapat ikonsidera ang nasabing konsepto.   
Ang utot ay hydrogen sulphide na isang gas na inilalabas ng ating katawan na may mabahong amoy. Sa pag-aaral, kakailanganin na maglabas ang ating katawan ng compound na AP39 para magkapag-release ng mas maraming hydrogen sulphide na makabubuo ng panlunas na cell. Ang maliit na doses ng hydrogen sulphide  ay puwedeng protektahan ang cell mitochondria, na nagbibigay ng cell energy para panlaban sa mga sakit.
Maraming scientists, ang nagtatanong kung bakit hindi agad nagkaroon ng pag-aaral noon pa man tungkol sa pag-utot. Karaniwan  ang isang tao ay umuutot ng 14 beses sa isang araw. Pero marami pa rin ang may sakit kahit patuloy na nakaaamoy ng mabahong utot.
Sa kabila nito, patuloy parin ang pag aaral dito kung maari ba talaga itong makatulong sa paggamot ng kanser. 
sa

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga pagkain kontra Colon Cancer at iba pang uri ng kanser

Sakit sa puso, nakakamatay kung ipapawalang bahala.