Mga Post

mga pinagkunan

Ang sumusunod na blog ay halaw sa mga sumusunod na link: Paksa tungkol sa sakit sa puso https://www.ritemed.com.ph/articles/ano-nga-ba-ang-mga-sakit-sa-puso http://kalusugan.ph/10-senyales-ng-sakit-sa-puso/ http://www.akoaypilipino.eu/gabay/gabay/gabay/mga-dapat-malaman-tungkol-sa-sakit-sa-puso.html http://mga-sakit.com/sakit-sa-puso/ Paksa tungkol sa colon cancer at iba pang uri ng kanser http://www.philstar.com/psn-opinyon/2014/12/11/1401379/15-tips-para-iwas-kanser http://www.philstar.com/punto-mo/2013/10/12/1244254/ilang-paraan-para-makaiwas-sa-kanser Paksa tungkol sa colon cancer: paraan kung paano maiiwasan at sintomas nito. http://www.akoaypilipino.eu/gabay/gabay/gabay/mga-dapat-malaman-tungkol-sa-sakit-na-colon-cancer.html http://mga-kanser.com/sintomas-ng-colon-cancer/ http://kalusugan.ph/ano-ang-mga-sintomas-ng-colon-cancer-kanser-sa-bituka/ http://www.buhayofw.com/medical-advice/cancer/paano-ba-maiiwasan-ang-colon-cancer-51b61552aef7d http:...

Hakbang para iwas sakit sa puso!

Imahe
Matapos nating talakayin ang mga sintomas ng Heart attack, narito naman ang mga hakbang kontra heart attack. Iwasan ang paninigarilyo  – Kung ikaw ay naninigarilyo, doble ang posibilidad na magkaroon ng atake sa puso, kumpara sa mga taong hindi naninigarilyo. Kaya kung ititigil mo ang paninigarilyo, tiyak na bababa ang panganib na magkaroon ng atake sa puso. Bawasan ang pagkain ng maaalat  – Ang pagkain ng maaalat ay nagdudulot ng high blood pressure sa iyong katawan at naglalagay sa’yo sa panganib  na magkaroon ng sakit sa puso. Panatilihin ang 1,600 mg ng salt o asin kada araw.  Palagi din tingnan ang dami ng asin sa iyong mga binibiling pagkain gaya ng junk foods at iba pa. Balance diet  –Wala ng iba pang pinakamagandang paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso kundi ang pagkain ng  masustansya at balanseng pagkain. Dapat kumain ng gulay, prutas, isda at mga pagkaing butil dahil mahusay ang mga ito sa pagpapalusog ng puso. Mag-ehers...

Senyales ng sakit sa puso, Alamin!

Imahe
1 0 SENYALES NG SAKIT SA PUS O Ang mga sakit sa puso ang nangungunang sanhi ng kamatayan sa Pilipinas, at ang mga kaso nito ay patuloy pang tumataas sa paglipas ng panahon. Ito’y sapagkat walang sintomas at senyales o kung meron man, ay huli na para maagapan pa. Dahil dito, mahalaga na mapagtuunan ng agarang pansin ang kahit na maliit pa lamang na senyales ng pagkakaroon ng sakit sa puso. Ang mga senyales ng sakit ay naiiba-iba depende sa kondisyon na dinadanas, ngunit ang mga sumusunod na sintomas ay ang mga karaniwan na maaaring maranasan. 1. Pagkabalisa Sinasabing ang mga may sakit sa puso, lalo na yung may pagbabadya ng atake sa puso, ay maaaring dumanas ng pagkabalisa o anxiety. Dahil ito sa takot sa kamatayan na maaaring maranasan sa kasagsagan ng atake sa puso. 2. Pananakit sa dibdib Siyempre pa, maaaring dumanas ng pananakit sa dibdib ang taong may sakit sa puso. Sa katunayan, ito ang pangunahing senyales na maaaring maranasan sa pagkakaroon ng anumang karamda...

Sakit sa puso, nakakamatay kung ipapawalang bahala.

Imahe
Matapos ang ating pagsisiyasat patungkol sa Colon Canser, narito naman ang isang sakit at mga uri nito na syang dahilan sa pagkamaty ng milyong milyong pilipino.  Ang pagkakaroon ng  healthy lifestyle,   regular exercise at proper diet ay ilan lamang sa mga ipinapayo ng mga eksperto upang maiwasan ang pagkaroon ng sakit sa puso. Ang ating puso ay hindi na tumitigil sa pagtibok mula nang tayo ay ipinanganak. Kasinlaki ng isang kamao ng tao (depende kung bata o matanda ang laki) ang puso ayon sa mga doktor. 100,000 beses itong tumitibok kada araw at sa bawat tibok nito ay maayos nitong pinadadaloy ang dugo sa bawat parte ng  ating katawan. Samantala hindi totoo na nabibiyak ang puso ng isang tao, sapagkat ang ating puso ang pinakamalakas na muscle sa ating katawan. Ang Cardiovascular System ay ang sistema kung paano dumadaloy ang dugo sa ating katawan. Malaki ang ginagampanan ng puso sa sistemang ito. Ito ang nagpa-pump o tumutulak at nagsasala ng dugo upang ito a...

Mga pagkain kontra Colon Cancer at iba pang uri ng kanser

Imahe
Matapos nating pag usapan ang mga sintomas ng colon cancer. narito naman ang mga healthy tips kontra Colon Cancer at ibang uri ng kanser. 1) Tomato sauce at spaghetti sauce – Ayon sa isang pagsusuri, ang pagkain ng 10 kutsarang tomato sauce bawat linggo (150 ml) ay nakatutulong sa pag-iwas sa kanser ng prostate. Ang pulang spaghetti sauce ay may lycopene na masustansya sa katawan. Umiwas lang sa pagkain ng meatball, hotdog at ham dahil hindi ito maganda sa mga taong may kanser. 2) Taho at tokwa – Ang soy products tulad ng taho at tokwa ay may sangkap na genistein, na maaaring makatulong sa pag-iwas sa breast cancer. Sa isang pagsusuri sa Asia, ang mga babaing malakas kumain ng taho at tokwa ay mas hindi tinatamaan ng breast cancer. Kaya, imbes na uminom ng gatas, puwede kang mag-soya milk. Ang tokwa at sabaw sa miso ay mabisa rin. Gayahin n’yo ako na mahilig kumain ng vegetarian food (tulad ng Bodhi fastfood). Ang vegemeat ay gawa rin sa masustansyang tokwa. 3) Shitake mushroo...

Sintomas at mga sanhi ng Colon Cancer.

Imahe
Matapos ang aking nakaraang blog patungkol sa kung ano ang colon cancer, narito naman ang mga sintomas na maaring maidulot ng naturang kanser. Sintomas ng colon cancer Anu-ano ang mga sintomas ng kanser sa bituka? Malamang na may kanser sa bituka ka kapag ikaw may mga sintomas na katulad ng mga sumusunod: Pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pagdumi, pagtatae o kahirapan sa pagdumi. Biglaang pagbabago sa itsura ng iyong dumi. Pagdurugo ng puwet, pagkakaroon ng dugo sa dumi Madalas na pagsakit ng tiyan, paghilab, kabag at iba pa Panghihina o pagkahapo Hindi maipaliwanag na pagbagsak ng timbang Maraming mga pasyente na may colon cancer ang hindi nakaranas ng mga sintomas sa unang yugto ng kanilang karamdaman. Kapag ang sintomas ay lumitaw, kadalasan nang malala na ang kanilang sakit. Subalit ito ay depende naman sa laki at lokasyon ng cancer. Hindi katulad ng Aneursym na aking naging paksa nang nagdaang mga araw, ang ganitong uri ng sakit ang matagal bago maramdman ang sintoma...

Ano ang Colon Cancer?

Imahe
Matapos ang aking mga naging blog patungkol sa Aneursym, hayaan nyo namang ipagpatuloy ko ang aking blog na tatalakay sa colon cancer na naging dahilan ng pagkamatay sa nakakaraming pilipino Ano nga ba ang colon cancer? Ito ay cancer sa malaking bituka. Kapag sinabing may cancer sa malaking bituka, apektado ang bowel movement o pagdumi. Malaki ang kaugnayan nito sa pagdumi. Kung hindi regular ang pagdumi o kaya’y nagbago ang tinatawag na bowel flora, nagpo-produce ito ng carcinogens sa ingested foods. Ang carcinogens ay cancer-causing substance or agent. Ang colon cancer ay isang uri ng sakit sa large intestine o colon, ang ibabang bahagi ng iyong sistemang panunaw. Ang rectal cancer naman ay kung ang kanser ay matatagpuan sa huling apat na pulgada ng bituka. Ang sakit na ito ay kadalasang tinatawag na colorectal cancer. Sa maraming mga pagkakataon, ang kanser sa bituka ay nagsisimula bilang maliit, hindi cancerous na bukol na tinatawag na adenomatous polyps. Pagdaan ng panah...