paano maiiwasan ang Aneursym
Paano ito maiiwasan
- Iwasan ang mga bisyo. Ang brain aneurysm ay maiiwasan sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga bisyo tulad ng madalas at malabisang pag-inom ng beer, paggamit ng mga pinagbabawal na gamot, at paninigarilyo. Ang mga ito ay nagdudulot ng pagtaas ng blood pressure ng katawan na nagsasanhi sa paglobo at maaring pagputok ng ugat.
- Kumain ng tama at malulusog na pagkain. Ang sobrang pagkain ng mga matatabang pagkain ay maaaring magdulot sa pagdami ng taba sa katawan at sa mga ugat. Ugaliing kumain ng mga masusustansyang pagkain tulad ng gulay at isda.
- Inumin ang gamot sa tamang oras at paraan. Kung ikaw ay dati nang mayroon sakit tulad ng high blood at hypertensyon, ugaliing inumin ang iyong mga gamot sa tamang oras. Huwag palipasin ang bawat pag-inom at siguraduhin sundin ang payo ng mga doktor.
- Mag ehersisyo. Ang pagkakaroon ng active lifestyle ay makatutulong hindi lamang upang maiwasan ang aneurysm ngunit pati na rin ang iba’t-ibang sakit tulad ng obesity, high blood pressure, at hypertension.
- Alagaan ang iyong katawan. Wala nang mas mabuting paraan upang maiwasan ang aneurysm kundi ang pag-alaga sa iyong katawan. Ugaliing uminom ng sapat na tubig araw-araw, matulog sa tamang oras, at iwasan ang pagpupuyat at malabisang pagpapagod.
Ang aneurysm ay hindi biro. Kung ikaw o sinumang kakilala mo ay nakararamdam ng sintomas ng aneurysm, sana ay huwag na itong hintaying lumala pa at agad nang magpatingin sa doktor.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento