Mga karagdagang kaalam hinggil sa aneurysm
Bilang pagpapatuloy sa aking nakaraang blog, narito ang mga karagdagang kaalaman hinggil sa aneurysm.
Mga sanhi ng aneurysm
Maraming maaaring maging sanhi ng aneurysm. Kabilang na dito ang mataas na blood pressure, mataas na cholesterol, at mataas na blood sugar. Maaari rin itong sanhi ng pagkapal ng ugat dahil sa cholesterol na dulot ng pagtanda.
Ang aneurysm ay maaari ring namana mula sa mga magulang o di kaya ay depekto mula pagkaanak. Ang mga taong may mga magulang o di kaya’y may mga kapamilya na nagkaroon ng brain aneurysm ay may mas mataas na tsansa na makaranas rin nito.
Maaari rin itong bunga ng pagkain ng labis at pagkonsumo ng matatabang pagkain na nagdudulot sa pagdami ng taba sa mga ugat.
Mga sintomas
Kadalasang walang nakikitang sintomas ang aneurysm. Subalit, ang mga taong mayroon nito ay kadalasang nakararanas ng masakit na ulo. Madalas rin silang makaranas ng pananakit ng leeg at pagkahilo.
Kapag naman pumutok na ang ugat, ang tao ay maaaring makaranas ng labis na pagkasakit ng ulo at leeg, biglaang pagtaas ng blood pressure, pagkahilo at pagsusuka, seizures, at pagkawala ng malay.
Ang aneurysm ay itinuturing na isang medical emergency sapagkat ang mabilis na pagkalat ng dugo sa utak ay maaaring magdulot ng stroke o di kaya ay comatose sa pasyente. Ang mga taong nakararanas ng sintomas ng aneurysm ay kailangan agad isugod sa opsital.
Sino ang apektado nito
Ang aneurysm ay kadalasang nakikita sa mga taong edad 30-60 taong gulang, ngunit sa kasalukuyan ay nakikita na rin sa mga taong may mabababang edad. Mas mataas ang tyansa ng mga babae na magkaroon ng aneurysm kumpara sa mga lalaki.
Madalas rin makita ang sakit na ito sa mga taong may hypertension, high blood pressure, at mga naninigarilyo.
Pinagkunan: https://philippineone.com/alamin-kung-ano-aneurysm-at-mga-paraan-upang-maiwasan-ito/
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento