Sintomas at mga sanhi ng Colon Cancer.

Matapos ang aking nakaraang blog patungkol sa kung ano ang colon cancer, narito naman ang mga sintomas na maaring maidulot ng naturang kanser.

Sintomas ng colon cancer

Anu-ano ang mga sintomas ng kanser sa bituka? Malamang na may kanser sa bituka ka kapag ikaw may mga sintomas na katulad ng mga sumusunod:
  • Pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pagdumi, pagtatae o kahirapan sa pagdumi. Biglaang pagbabago sa itsura ng iyong dumi.
  • Pagdurugo ng puwet, pagkakaroon ng dugo sa dumi
  • Madalas na pagsakit ng tiyan, paghilab, kabag at iba pa
  • Panghihina o pagkahapo
  • Hindi maipaliwanag na pagbagsak ng timbang
Maraming mga pasyente na may colon cancer ang hindi nakaranas ng mga sintomas sa unang yugto ng kanilang karamdaman. Kapag ang sintomas ay lumitaw, kadalasan nang malala na ang kanilang sakit. Subalit ito ay depende naman sa laki at lokasyon ng cancer. Hindi katulad ng Aneursym na aking naging paksa nang nagdaang mga araw, ang ganitong uri ng sakit ang matagal bago maramdman ang sintomas, na kung saan ito ay malala na. 

Kailan dapat magpatingin sa doktor

Kapag nakakita ka ng mga sintomas ng colon cancer, halimbawa, pagkakaroon ng dugo sa dumi o pagkakaroon ng pagbabago sa dumi, kailangan mong magpatingin sa iyong doktor.
Makipagusap sa doktor tungkol sa kung kailan ka dapat magsimula ng iyong mga pagsusuri para sa colon cancer. Ang mga guidline ay nagsasabi na ang mga taong mahigit 50 ay kailangang magpatingin para sa colon cancer. Ang iyong doktor ay malamang na magrekomenda ng mas madalas o mas maaagang pagsusuri kung mayroon ka ng mga salik sa pagkakaroon nito, tulad ng pagkakaroon ng kamag anak na may kanser sa bituka.

Sanhi ng colon cancer

Sa kadalasan, hindi malinaw kung ano ang sanhi ng kanser sa bituka. Subalit alam ng mga doktor na ang colon cancer ay nangyayari kung ang malusog na mga selula sa bituka ay magkaroon ng pagkakamali sa kanilang DNA.
Ang malusog na mga selula ay lumalaki at nahahati sa maayos na paraan para mapanatiling malusog ang katawan ng tao. Kapag ang DNA ay nasira at selula ay maging cancerous, ito ay patuloy parin sa pagpaparami, kahit pa hindi naman kailangan ng bagong mga selula. Habang dumarami ang depektibong mga cells, nabubuo naman ang tumor.
Sa paglipas ng panahon, ang cancer cells ay lalong dumarami habang sinisira ang malusog na mga tissues na malapit sa kanila. Ang cancerous cells ay may kakayahang maglakbay sa iba pang bahagi ng iyong katawan.
Ang pagkakaroon ng namanang sakit sa genes ay maaaring magpalaki ng posibilidad na ikaw ay magkaroon ng colon cancer. Ito ay maaaring maipasa pasa sa mga pamilya, subalit kakaunting porsyento lamang nito ang nauuwi sa kanser sa bituka. Ang minanang gene defects ay hindi naman ginagawang hindi maiiwasan ang cancer, pinatataas lamang nito ang posibilidad na magka-cancer ka.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga pagkain kontra Colon Cancer at iba pang uri ng kanser

Utot, nakakagamot ng Kanser

Sakit sa puso, nakakamatay kung ipapawalang bahala.