Ano ang Colon Cancer?

Matapos ang aking mga naging blog patungkol sa Aneursym, hayaan nyo namang ipagpatuloy ko ang aking blog na tatalakay sa colon cancer na naging dahilan ng pagkamatay sa nakakaraming pilipino
Ano nga ba ang colon cancer? Ito ay cancer sa malaking bituka. Kapag sinabing may cancer sa malaking bituka, apektado ang bowel movement o pagdumi. Malaki ang kaugnayan nito sa pagdumi. Kung hindi regular ang pagdumi o kaya’y nagbago ang tinatawag na bowel flora, nagpo-produce ito ng carcinogens sa ingested foods. Ang carcinogens ay cancer-causing substance or agent.

Ang colon cancer ay isang uri ng sakit sa large intestine o colon, ang ibabang bahagi ng iyong sistemang panunaw. Ang rectal cancer naman ay kung ang kanser ay matatagpuan sa huling apat na pulgada ng bituka. Ang sakit na ito ay kadalasang tinatawag na colorectal cancer.
Sa maraming mga pagkakataon, ang kanser sa bituka ay nagsisimula bilang maliit, hindi cancerous na bukol na tinatawag na adenomatous polyps. Pagdaan ng panahon, ang iba sa mga polyp na ito magiging colon cancer.
Ang polyp ay maaaring maliit at nagpapalabas ng kakaunting mga sintomas, kung meron man. Sa dahilang ito, maaaring mag rekomenda ang iyong doktor ng regular na pagsusuri para maiwasan ang kanser sa bituka sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggal sa polyp bago paman ito maging kanser sa bituka.
Sa pag-aaral, natuklasan na ang mga taong may ma-laking bowel polyps ay malaki ang panganib na magkaroon ng colon cancer.
Nade-detect ang cancer sa colon sa pamamagitan ng proctosimoidoscopy at colonoscopy. Ito ay ang paggamit ng fiber opti
Maiiwasan ang colon cancer kung ang diet ay maraming fibers sapagkat nakatutulong ito sa regular na pagdumi. Kumain ng mga sariwang gulay, prutas at karne.cs. Isang paraan din ay ang paggamit ng double contrast barium enema x-ray. Ang pagsusuri sa dugo na tinatawag na Carcino-embryonicantigen ay malaki rin ang naitutulong para ma-detect ang cancer sa colon.
Sa pagsasaliksik na ginawa sa Roosevelt Hospital sa New York City, isang  cholesterol lowering medication ang natuklasang maaaring makatulong para ma­bawasan ang panganib sa pagkakaroon ng colon cancer. Ito ay ang pagko-combine ng aspirin at lo-vastatin na napatunayang nababawasan ng 86 percent ang panga­nib sa colon cancer.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga pagkain kontra Colon Cancer at iba pang uri ng kanser

Utot, nakakagamot ng Kanser

Sakit sa puso, nakakamatay kung ipapawalang bahala.