Hakbang para iwas sakit sa puso!

Matapos nating talakayin ang mga sintomas ng Heart attack, narito naman ang mga hakbang kontra heart attack.
Iwasan ang paninigarilyo – Kung ikaw ay naninigarilyo, doble ang posibilidad na magkaroon ng atake sa puso, kumpara sa mga taong hindi naninigarilyo. Kaya kung ititigil mo ang paninigarilyo, tiyak na bababa ang panganib na magkaroon ng atake sa puso.
Bawasan ang pagkain ng maaalat – Ang pagkain ng maaalat ay nagdudulot ng high blood pressure sa iyong katawan at naglalagay sa’yo sa panganib  na magkaroon ng sakit sa puso. Panatilihin ang 1,600 mg ng salt o asin kada araw.  Palagi din tingnan ang dami ng asin sa iyong mga binibiling pagkain gaya ng junk foods at iba pa.
Balance diet –Wala ng iba pang pinakamagandang paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso kundi ang pagkain ng  masustansya at balanseng pagkain. Dapat kumain ng gulay, prutas, isda at mga pagkaing butil dahil mahusay ang mga ito sa pagpapalusog ng puso.
Mag-ehersisyo – Kasabay ng tamang diet ay mag-ehersisyo. Ito ay para mapanatiling “fit” ang iyong puso dahil bilang muscle ay kinakailangan nito ng 30-minutong ehersisyo.  Hindi lang din puso ang magbebenepisyo sa iyong pag-eehersisyo kundi maging ang iyong isipan dahil ito ay magiging alerto.
Iwasan ang alcohol – Ang pag-inom ng alak ng sobra-sobra ang tiyak na sisira ng iyong puso at pagtaas ng blood pressure habang papabilis ang pagtaba o pagdadagdag ng timbang. Kaya dapat kang umiwas sa pag-inom ng alak. 
Malaking tiyan – Dapat mong i-monitor ang iyong tiyan, dahil  indikasyon ng paglaki ng tiyan ay ang pagkakaroon ng hypertension, bad cholesterol at panganib ng atake sa puso.
Stress – Mabilis magkaroon ng sakit sa puso ang mga taong palaging stress.  Kaya sa oras na nakakaramdam ng stress, bakit hindi mag-relax? At pag-aralan ang mga teknik kung paano pakakalmahin ang emosyon at isip.
Palaging i-monitor ang  iyong blood pressure at cholesterol level -  Ang mga taong high blood ay mas mapanganib sa heart attack. Kaya dapat palaging i-monitor ang iyong blood pressure. Mas makakaiwas na magkaroon ng sakit sa puso kung magkakaroon ng maayos na life style at diet.
Peligroso ang pagkakaroon ng sakit sa puso o heart disease, dahil kung hindi ito maaagapan, maaari itong magdala ng mga nakamamatay na komplikasyon. Maraming pagkain, bagay, at mga nakaugaliang gawain ang maaaring magdulot ng naturang karamdaman. Importante ang mamuhay nang malusog at masaya kung ikaw ay iiwas sa mga sakit sa puso.

Kami ay naghanda ng ilang hakbang upang maiwasan ang nasabing sakit. Mahirap mang sundin ang ilan dito sa simula, magandang kalusugan at mas masayang pamumuhay naman ang iyong magiging gantimpala.

Magkaroon ng heart-healthy diet
Kumain ng mga pagkain na wala o kakaunti ang taba at mababa ang nilalamang kolesterol. Taba at kolesterol ang karaniwang bumubuo ng bara na naiipon sa mga ugat ng puso at nagpapakipot dito. Ito ang nagiging sanhi ng karamdaman na tinatawag na coronary heart disease, coronary arterial disease, at ischemic heart disease o ischemia.
Gawing regular ang pagkain ng gulay at prutas. Kung kakain ng karne, piliin ang tinatawag na ‘lean meats’ o karne na hindi mataba. Sa halip na baboy, kumain ng isda. Umiwas sa pagkain na sobrang alat at sobrang tamis.
Itigil ang paninigarilyo at pag-inom ng alak
Ang paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak ay ilan sa mga sanhi ng sakit sa puso na maaaring iwasan. Mas malapit sa peligro ng atake sa puso ang mga taong naninigarilyo kumpara sa mga taong hindi naninigarilyo. Ang sobrang pag-inom ng alak naman ay nakakapagpataas ng presyon ng dugo at maaari ring magdala ng sakit sa atay. Iwasan ang bisyo upang mapangalagaan ang katawan.
Isaayos ang lebel ng kolesterol sa katawan  
Malapit sa sakit sa puso ang mga taong may high cholesterol. Hindi kagulat-gulat ang pagkakaroon ng sakit sa puso ng isang tao kung ang lebel ng kolesterol niya ay lampas sa 200, gayun din ang pagkakaroon ng mababang good cholesterol (HDL) levels at labis na dami ng bad fat. Maisasaayos mo ang mga ito kapag kumain ng fiber-rich foods at mag-ehersisyo araw-araw. \
Gawing normal ang presyon ng dugo
Isa sa karaniwang sanhi ng sakit sa puso ay ang mataas na presyon ng dugo. Para makatulong sa pagkontrol ng presyon ng dugo, mag-ehersisyo, kumain ng tama, magkaroon ng positibong pananaw sa buhay, maging kalmado, at kung ipapayo ng doktor, uminom ng gamot para dito.
Magkaroon ng aktibong pamumuhay
Mag-exercise! Ang pagkakaroon ng aktibong pamumuhay ay isang paraan para makalayo sa sakit sa puso. Bukod dito, ang madalas na pag-eehersisyo ay nagsisilbing panangga ng iyong katawan sa iba’t-ibang uri ng karamdaman, susi sa pagpapapayat, at magandang hakbang upang maka-iwas sa stress.
Manatili sa tamang timbang
Kapag overweight ang isang tao, ito ay nagdudulot ng stress sa puso. Kung ang isang tao ay nasa tamang timbang, siya ay makakaiwas sa high blood. Komunsulta sa doktor para malaman ang tamang timbang alinsunod sa gulang at katangkaran. Bibigyan ka rin niya ng mga payo ayon sa iyong eksaktong kondisyon at gamot kung kinakailangan.
Iwasan ang stress at pagkagalit  
Madalas ipayo ng mga doktor sa mga taong nasa peligro na magkaroon ng sakit sa puso ang pag-iwas sa stress. Ang stress at galit ay may masasamang epekto sa puso at maaaring magdulot ng sari-saring sakit.
Alisin ang mga bagay o layuan ang mga sitwasyon na nagsasanhi ng stress. Kung kinakailangan, maaaring ilabas ang tensyon sa pag-eehersisyo o matutong mag-meditate. Tandaan na ang payapang utak ay nakakatulong sa pag-iwas sa mga seryosong sakit.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga pagkain kontra Colon Cancer at iba pang uri ng kanser

Utot, nakakagamot ng Kanser

Sakit sa puso, nakakamatay kung ipapawalang bahala.